Paalala:
Ito ay kwentong pang bata at nag iisip bata.
Para sa mga tamad mag basa,wag niyo na balakin pa.
introduction:
Dahil sa aking katamaran at kabugnutan, nakagawa ako nang napaka walang kwentang alamat
ngayong umaga. wow,ang saya-saya naman di ba?-.-
i dedicate this lame story for my one and only pillow:D
Noong sinaunang panahon, sa bundok nang tralala nag hahari ang engkantada at engkantado na kung saan makikita ang sangdamakmak na burol nang mga bulak. Walang segundong hindi uulan nang bulak dito.
Isang araw ay nagkaroon nang isang matinding problema ang palasyo. Masyado nang dumadami ang bulak sa kanilang nayon. Kaya naman naatasan nang punong hari na si Haring Pulgo, na ipadala ang kanyang butihing kawal na si Pido(shortcut name for istupido dahil sa di gaanong pulido ang utak niya,ngunit siya ay tapat na lingkod nang hari). Inatasan siyang magtungo sa nayon nang sugawgaw upang hanapin ang pinaka matabang bata nag ngangalang Un Ano na may tinatagong agimat o kung anong bagay na hindi maipaliwanag,dahil ayon sa propesiya ay ito ang magliligtas sa bayan nila.Agad agad nagtungo si Pido sa nayon nang sugawgaw at madaling hinanap ang bata.
Maliit lamang ang nayon na ito at masasabing hirap ang mga tao dit. Kaya naman kakaiba ang libangan nang mga tao dito at iyon ay ang "***words are not allowed here***" .
Malayo rin ang nilakbay ni Pido kaya naman naupo siya sa isan malaking bato.
Di nagtagal ay nakatulog din siya. Sa gitna nang mahimbing niyang pagkakatulog ay may isang kumpol nang mga batang di nagkakalayo nang laki nang mga tiyan. Nagtungo sila kung saan nagpapahinga si pido. Sa sobrang kapaguran nang mga bata ay naupo muna sila sa damo.
Sakto naman ang piglang pag gising ni pido. Napahikab pa siya dahil sa sobrang kapaguran. Ngunit sa kanyang kamalasan ay umihi sa batong inuupuan niya ang matabang bata sobrang laki nang tiyan na hindi masusukat sa sobrang lapad at sumakto ito sa kanyang bunganga.Dali dali niya itong isinuka dahil sa pandidiri.
Pido:"***words are not allowed here***"""bata ka!bakit mo ko inihian??
Un Ano:"huh sino ka?asaan ka?di kita makita?"tugon nang bata.
Pido:"taba andito ako o!yuhoo!".
Un Ano:"loko ka ha?sinong sinasabihan mong taba?may pangalan ako no?!
Ako si Un Ano.
Pido:"Yung Ano?"
Un Ano:" sabi ko ang pangalan ko ay Un Ano.
Pido:"Ikaw na ba ang pinaka mataba dito?"sandaling nag isip.
"OO IKAW NA NGA!"
skip na natin ang napakawalang kwentang usapan........
buod nang usapan nila:sinabi ni Pido ang pakay niya at dali daling nagtungo pabalik sa knilang
palasyo.
Pagbalik ni Pido sa kanilang palasyo ay sinalubong siya ni Haring Pulgo.Sinimulan na nila ang
ritwal at inutusan niya si Pido na buhatin si Un Ano ipatong sa isang napaka laking lamesa na sa tapat nito ay napaka lawak na bangin nang bulak.
Abala ang lahat dahil sa ritwal na ginagawa. Kung iisipin natin ay maliit lang si Pido ngunit siya ang naatasan nang Hari dahil nga sa siya ay masunurin. Kaya naman nang ipapatong na sa malaking lamesa ay nangati bigla ang kanyang ***word is not allowd here***, kaya bigla niyang nabitawan si Un Ano at kamuntikan na itong mahulog nang tuluyan. Nakahawak si Un Ano sa lamesa at nag sisisigaw nang mga kung anong sumpa.
Hari: Pido!kumuha ka nung Ano!Ung Ano!!!!Ung Ano!!!
Lubid!
Ngunit dahil sa makati talaga ang kanyan ***word are not allowed here*** ay hindi na niya nailigtas si Un Ano at tuluyan na itong nahulog sa mga bulak...
Lumipas ang ilang minuto, ay biglang huminto ang mga bulak na nagsisihulog mula sa langit at
nabuo ang mga bulak na parang betamax.
Kaya naman tinawag nila itong Unan.
Huling paalala: Ang kwentong ito ay walang katotohanan.
Base ito sa imahinasyon nang Author.
Wala na pong kokontra.
Maligayang pag basa!
Background music:
Everygirl by Young Money,Drake and compay.
Wetter by Twista ft Erika Shevon
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment