Saturday, August 1, 2009

Ang Misteryo sa Capiz

Sa di kalayuang lugar sa probinsya ng Laguna nakatira ang sikat na doktor na si Pepe.
Siya ay mayaman at makisig na lalake. Di maiwasang tumingin sa kanya ang mga katrabaho niya sa ospital dahil sa sobrang kisig nito at sa matitipuno nitong dibdib at mga braso.
Maliban sa pang-gagamot ay mahilig din ito mag sight seeing sa iba't ibang lugar sa Pilipinas.

Taga-Capiz si doc Pepe ngunit mula sa pagka musmos niya ay lumipat na siya sa Laguna kasama ang kanyang inang si Lucresia. Naisipan niyang bisitahin ang kanyang lola sa lugar na iyon kung saan siya ipinangak.

Madilim ang kalsada at makakapal ang tubo ng mga dahon sa mga puno. Para itong isang malaking daan sa gitna ng kagubatan dahil sa malayo ito sa lungsod ng probinsya.
Hindi niya alam kung tama ang daan na tinatahak niya o naliligaw na siya. Kaya naman napilitan siyang huminto muna sa daan kung saan bihira ang mga sasakyang dumaraan. Naisipan niyang tawagan ang kanyang ina at tanungin ito kung saan ba siya dapat dumaan. Naghanap siya ng mga palatandaan o kahit pangalan lang ng lugar sa kung saan siya naroon. Ngunit sa kamalasan niya ay wala siyang nakita. Kaya minabuti niya na bumalik na lang ulit sa loob ng sasakyan.
Nang pasakay na siya ay biglang nanlamig ang kanyang batok. Agad siyang nagmadaling pumasok sa loob ng sasakyan at nawala ang pagka matipuno nito dahil sa sobrang kilabot.

Agad niyang pinaandar ang sasakyan at umalis sa lugar na iyon. Ni linga-linga niya ang lugar na pinanggalingan niya at sa sobrang takot ay nabangga niya ang batang lalake na naglalakad sa gitna ng daan. Napahinto siya bigla at napatili ng sobra! Bumaba siya mula sa kanyang sasakyan.
Gusto niyang tumakbo at magsisisigaw ngunit hindi niya magawa. Kilabot at sobrang takot ang nadama ni Pepe. Ngunit nag lakas-loob siyang pumunta sa likod ng sasakyan para malaman niya kung ano ang lagay ng bata, ngunit wala naman siyang nakita. Di niya alam kung ano ba itong nakita niya. Tumungin siya sa kanyang relo, at nakita niyang ala-una na pala ng umaaga. Di pa rin mawala ang takot na nadama ni Pepe.

Pasakay na siya sa kanyang sasakyan nang may biglang humila sa dulo ng damit niya. Laking gulat niya nang makita niya ang batang nabunggo biya. Maputlang maputla ito at payat na payat.
"Kuya,kuya bili na kayo siopao. Kanina pa ako dito nag lalako e wala naman bumibili. Sige na po kuya. Ubusin niyo na lahat." Sambit ng batang may malamig at malumanay na boses.
Sa sobrang kilabot ni Pepe ay pinakyaw na niya ito lahat. "O sige totoy,bibilhin ko na yan lahat. Kunin mo itong 1000 ko,sayo na ang sukli." Ngunit nang buksan ni Pepe ang tupperware na rubbermaid pa ang tatak ay nangilabot at namutla siya na parang walang dugong dumadaloy sa kanya at di na maipinta ang mukha nito sa sobrang kahindikan!!

"ENSEMADA ITO TOTOY HINDI SIOPAO!!!!"
at tuwang-tuwang tumakbo papalayo ang batang hinayupak.

puchang bata 'yon!